Palawan, kabilang sa listahan ng mga lugar na may “bluest water in the world”

(Eagle News) — Kabilang ang Palawan sa listahan ng mga lugar na may “bluest water in the world” ng Travel + Leisure magazine.

Inilarawan sa artikulo ang Palawan bilang islang binabalutan ng asul na tubig, coral reefs, lagoon coves at mga lihim na beach.

Kabilang dito ang El Nido, Linapacan Island at Puerto Princesa Underground River.

Kasama rin ang Palawan sa listahan ng “The 15 Best Beach Destinations to Visit in January” ng magazine dahil ang buwan ng Enero ay akma sa snorkeling at diving.